Bukas ang Tanggapan ni Cong. Amben Amante para sa Medical, Burial at Emergency Assistance

Bukas ang Tanggapan ni Cong. Amben Amante para sa Medical, Burial at Emergency Assistance


Patuloy na pinalalawak ni Laguna 3rd District Rep. Loreto "Amben" Amante ang mga programang pangkalinga para sa mga pamilyang nangangailangan sa kanyang nasasakupan sa pamamagitan ng pagbubukas ng mga satellite office na magsisilbing sentro ng mabilisang paghahatid ng tulong sa publiko.

Kabilang sa mga pangunahing serbisyong ipinagkakaloob ng tanggapan ng kongresista ang Medical Assistance para sa gastusin sa ospital at pagbili ng gamot, Burial Assistance para sa mga pamilyang nangangailangan ng tulong sa pagpapalibing ng kanilang mahal sa buhay, at iba pang emergency public assistance programs.

Upang maging mas accessible ang mga serbisyo, maaaring magtungo ang mga residente sa alinman sa tatlong tanggapan na matatagpuan sa Balagtas Boulevard, Barangay 3-D sa San Pablo City, Poblacion 1 sa Nagcarlan, at Barangay Masiit sa Calauan.
Bukas ang mga tanggapan mula Lunes hanggang Biyernes, alas-8:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon.

Hinimok naman ang mga mamamayan na makipag-ugnayan sa mga kawani ng pinakamalapit na satellite office upang mapabilis ang pagproseso ng kanilang mga kahilingan para sa tulong at iba pang serbisyong ipinagkakaloob ng tanggapan ng kongresista. (Mhadz/Report mula sa FB Page ni Congressman Amben Amante) 

Comments