Imahe ng Mahal na Birhen ng Guadalupe, dumalaw sa Pagsanjan
Imahe ng Mahal na Birhen ng Guadalupe, dumalaw sa Pagsanjan PAGSANJAN, LAGUNA — Naging tampok sa isang makasaysayang pagdiriwang sa Pagsanjan ang pagdating ng sagradong pilgrim image ng Mahal na Birhen ng Guadalupe mula Mexico, na sinalubong ng mga deboto, opisyal ng lokal na pamahalaan at mga mananampalataya. Kabilang sa sumalubong sa imahen sina Pagsanjan Mayor Januario Ferry “Jan” Garcia at kanyang pamilya, Laguna Governor Sol Aragones, Congressman Benjie Agarao, mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng Pagsanjan, Siniloan Mayor Patrick Go at ang kanyang asawa na si Atty. Gie Gallanosa. Mahalaga ang pagdalaw ng pilgrim image sa Pagsanjan dahil tahanan ang bayan ng isa sa mga makasaysayang dambana na nakaugnay sa debosyon sa Mahal na Birhen ng Guadalupe. Ayon sa lokal na tradisyon, itinatag ang Guadalupe Shrine sa Pagsanjan noong 1687. Bahagi ng pagbisita ang mga banal na gawain, pagdiriwang ng Banal na Misa at pampublikong veneration para sa mga deboto. Inilarawan ng mga tagapagt...