KABAKA San Pablo City Officers bumisita kay Congressman Loreto “Amben” Amante
San Pablo City- Kapisan ng Barangay Kagawad (KABAKA) ng San Pablo City bumisita sa tanggapan ni Congressman Loreto “Amben” Amante noong nakaraang Huwebes ika-25 ng Hulyo 2024.
Sa pangunguna ni KABAKA President Noevic Aquino Liwanag kasama ang mga opisyales nito ay nag courtesy call kay Cong. Amben Amante upang ipaalam ang pagsasaayos ng kapisanan sa kadahilanan na ang ilan sa mga opisyales nito ay tumaas ang posisyon at mga naging kapitan na.
Kasama ni Pres. Noevic Liwanag ang mga opisyales ng samahan na sina Vice- Pres.- Hon. Jonathan Agno, Secretary - Hon. Janet M. Eronico, Treasurer- Hon. Grace C. Aquino, Auditor- Hon. Alona Reyes, P.R.O- Hon. Monina Caponpon, Sgt. @ Arms- Benny Onda, Sheryl P. Albaño, Board of Directors; Plaridel Dalisay, Bayani Magnaye, Angielyn Escorido, May Belarmino, Anthony Jesus Reyes, Neil Adona, Rochelle Baretto, Jojo Cuentas, Angel Alcantara, Renante Flores at Jron Sagala.
Ang KABAKA o Kapisan na Barangay Kagawad ay binubuo ng mga aktibong kagawad ng 80 barangay sa Lungsod ng San Pablo na pinamunuan ni Brgy. VI-D Kagawad Noevic Aquino Liwanag.
Ayon kay Pangulong Noevic Liwanag, ang KABAKA ay naging katuwang ng lokal na pamahalaan na tumindig at lumaban sa nagdaang pandemiya “Mula noon hanggang sa kasalukuyan ang kapisanan ay mananatiling katuwang ng lokal na pamahalaan” dagdag pa ni Noevic.
Ibinahagi ni Pang. Liwanag ang ilan sa mga nagawa ng KABAKA ng mga nagdaang taon: 1. Drug Free Starts With Me- KABAKA officers sumailalim sa Drug Test; 2. Donation Drive Sa Bahay Ampunan Sa Barangay San Jose (2019); 3. Co-Sponsor ng kauna-unahang Covid monitoringManagement para sa lahat ng Barangay Officials; 4. Distribution ng KABAKA Facemask (September 2020); 5. distribution Ng Vice President Leni Robredo Angat Buhay Anti Covid Facemask and Protective Equipment (2021); 6. Buong laban ng pandemya nag assist sa mga relief distribution sa mga barangay.
Nais iparating ni Kagawad Noevic Liwanag sa kanyang mga miyembro ang patuloy na pagiging masigasig sa pagtupad sa kanilang mga tungkulin sa barangay “Ako po ay patuloy nyong kasangga at kaisa sa pagtindig sa tama” pahayag ni Liwanag.
KABAKA Members kasama si Vice Mayor Justin Colago at miyembro ng Sangguniang Panglunsod
Samantala, nang araw ding iyon ay bumisita rin ang kapisanan sa Sangguniang Panglunsod na pinamumunuan ni San Pablo City Vice Mayor Justin Colago, magiliw naman silang pinakiharapan ng bise mayor at miyembro nito. (Mhadz Marasigan)
#localnewspaper
#calabarzon
Comments
Post a Comment