Senator Bong Go adopted son ng Bayan ng Pila

Pila, Laguna- Senator Christopher Lawrence "Bong" Go bumisita sa bayan ng Pila upang saksihan ang Blessing at Ribbon Cutting ng bagong Pila Municipal Hall ngayong araw (July 29, 2024).

Ang nasabing programa ay pinangunahan ni Municipal Mayor Egay Ramos kasama ang miyembro ng Sangguniang Bayan.

Dumalo sa nasabing programa sina Laguna Vice Governor Karen Agapay,  Majayjay Mayor Romeo Amorado, Nagcarlan Mayor Elmor Vita, Lumban Mayor Rolando Ubatay, Paete Mayor Ronald Cosico, former Laguna 4th District Cong. Benjie Agarao, Philip Salvador, Bokal Boy Zuñiga at mga kawani ng lokal na pamahalaan.

Matapos ang programa ay nakipagdaupang palad si Sen. Bong Go sa mga benepisyaryo ng TUPAD sa nasabing bayan.

Lubos ang tuwa at pasasalamat ni Pila Mayor Egay Ramos sa mga tulong na ipinagkaloob ng senador sa kanilang bayan.

Bilang pasasalamat at pagkilala sa mga ginawang mga proyekto at tulong ni Senator Bong Go sa bayan ng Pila, ang Sangguniang Bayan ay gumawa ng resolusyon upang maging adopted son si Go ng Bayan ng Pila.

Patuloy ang pagikot ni Senator Bong Go sa ibat-ibat panig ng bansa upang maghatid ng serbisyo sa kanyang mga kababayan. (Mhadz Marasigan)

Comments

Popular posts from this blog

KABAKA San Pablo City Officers bumisita kay Congressman Loreto “Amben” Amante

Laguna PDRRMO holds Incident Command System Position Course