1,496 mag-aaral nagtapos sa Pamantasan ng Lungsod ng San Pablo

 



Photo (L-R) Vice Mayor Justin Colago, Cong Amben Amante, Cong. Lani Revilla, Mayora Gem Castillo, Mayor Vic Amante


San Pablo City- Pinangunahan ni Mayor Vicente B. Amante kasama ang kanyang maybahay First Lady Gem Castillo, Vice-Mayor Justin G. Colago, miyembro ng Sangguniang Panlungsod ang 24th Seremonya ng Pagtatapos ng mga mag-aaral ng Pamantasan ng Lunsod ng San Pablo (PLSP) noong nakaraang  Hulyo 12, 2024 na ginanap sa SPC Multi-Purpose Convention Center, Brgy. San Jose San Pablo City.

Naging panauhing pandangal sina Senator Imee Marcos, Laguna 1st District Representative Dan Fernandez, Cavite 2nd District Representative Lani M. Revilla bilang kinatawan ni Sen. Bong Revilla, Jr. at Laguna 3rd District Representative Loreto S. Amante.

Matagumpay na naisagawa ang pagtatapos ng 1,496 na mga mag aaral dahil sa pagtataguyod nina Mayor Vicente B. Amante, City Administrator Larry S. Amante at buong pamunuan ng PLSP sa pangunguna ni University President Dr. Sigfredo C. Adajar. 

Nagtapos ang mga mag-aaral ng PLSP sa kursong BEEd, BSEd, BS Psychology, BA Political Science, BSIT at BSHM. Tumanggap naman ng natatanging parangal si Reinnel P. Escoses, nagtapos bilang Magna Cum Laude sa kursong BSEd-Mathematics. (Mhadz Marasigan/CIO-San Pablo/Photo credit: Cong Amben Amante update FB page)

#news

#calabarzon

Comments

Popular posts from this blog

Senator Bong Go adopted son ng Bayan ng Pila

KABAKA San Pablo City Officers bumisita kay Congressman Loreto “Amben” Amante

Laguna PDRRMO holds Incident Command System Position Course