“Ang para sa tao ay para sa tao, hindi mo kailangan ibulsa”-Mayora Gem Castillo
Mabitac, Laguna-Ok na po ang buhay ko, kahit kaunti ay meron naman po tayo ang akin nalamang po ay ibalik sa tao, at ang para sa tao ay para sa tao, hindi mo kailangang ibulsa” pahayag ni San Pablo City First Lady Gem Castillo sa seremonyas ng pagtataas ng Watawat sa Mabitac, Laguna noong nakaraang Lunes July 22, 2024.
Malugod ang pagtanggap kay Mayora Gem nina Municipal Mayor Alberto Reyes at kanyang kabiyak Unang Ginang Maria Cristy Reyes at mga kawani ng Lokal na Pamahalaan ng Mabitac.
Sa mensahe ni Mayora Gem, ibinahagi niya ang mga senyales na naging daan para siya ay magpasya na lumahok sa darating na 2025 Election.
Ayon kay Gem, nasa isang salo-salong pampamilya siya ng makatangap ng tawag mula kay Laguna 1st District Representative Dan Fernandez, na siya ay hinihikayat na maging partner o running mate niya sa pagka bise gobernador ng lalawigan. Nag-alangan si Gem sa isasagot dahil hindi naman siya nalabas ng bayan ng San Pablo, bagamat siya ay dating naging artista hindi nya batid kung marami pa ang nakakakilala sakanya.
Naging tiyak naman ang kasagutan ni Cong. Dan Fernadez na sa isang survey na isinagawa ay nakakuha ng patas ng rating si Mayora Gem dahil sa mga kabaitan at kabutihan na ipinakita nito sa kanyang kapwa na ang iba ay nagtrending pa sa social media.
Hindi parin noon lubos na kumbinsido si Gem, kaya noong siya ay bumisita sa Pangasinan sa kanyang panalangin ay humingi siya ng palatandaan mula sa Birheng Manaog, kung mapapahintulutan siya na madadala niya ang Birheng Manaog sa Lungsod ng San Pablo ay tadhana niya ang maglingkod sa kapwa.
Ayon pa kay Gem, lubos ang katuwaan at pasasalamat ng mga deboto ng Birhen ng Manaog sa Lungsod ng San Pablo at karatig na bayan.
Napagtanto na ni Gem ang tunay na kalooban ng Diyos na siya ay magamit upang tumulong sa mas malawak na hanay ng mga tao hindi lamang sa loob ng San Pablo kundi sa mga taong nangangailangan sa buong Lalawigan ng Laguna.
Ibinahagi ni Mayor Gem, na nais niyang dalhin sa Lalawigan ng Laguna ang mga magagandang proyekto at programa na ginawa at ipinatutupad sa Lungsod ng San Pablo sa pamumuno ni Mayor Vicente “Vic” Amante tulad ng libreng edukasyon, pagpapa ospital at gamot. (Mhadz Marasigan/Lynn Domingo)
#localnewspaper
#Calabarzon
Comments
Post a Comment