Armed Forces & Police Mutual Benefit Association Incorporated (AFPMBAI), na mahagi ng donasyon sa 1IB
TIGNAN | Ang Armed Forces and Police Mutual Benefit Association, Incorporated (AFPMBAI) ay nagdonate ng isang (1) set ng personal computer, printer, at laptop sa himpilan ng 1IB. Ang seremonya ay ginanap sa 1st Infantry Battalion, Brgy. Tongohin, Infanta, Quezon noong Hulyo 04, 2024 (Huwebes).
Ipinahayag ni LTC NOEL B WAMIL INF (GSC) PA, Battalion Commander, ang kanyang taos-pusong pasasalamat para sa donasyon, na binibigyang-diin ang malaking epekto nito sa pagpapabuti ng mga kakayahan upang maging epektibo sa administratibo at komunikasyon, at higit sa lahat matulungan ang mga tauhan ng Always First Battalion na makapagtrabaho ng maayos at produktibo. Binanggit niya na ang ganitong suporta ay mahalaga para sa kahandaan sa misyon at sa kapakanan ng mga tropa, na naglalarawan ng matibay na pakikipagtulungan sa pagitan ng AFPMBAI at ng Battalion pati na rin ng buong AFP.
#news
#calabarzon
Comments
Post a Comment