Barangay Children’s Association-San Roque Seminar and Orientation, matagumpay na naisagawa
Barangay Children’s Association-San Roque Seminar and Orientation, matagumpay na naisagawa
San Pablo City- Matagumpay na idinaos ang kauna-unahang Barangay Children’s Association (BCA) San Roque Seminar and Orientation 2024 nuong Hulyo 20-21 na ginanap sa Covered Court. Ito ay pinangunahan ni Kagawad Mark Anthony C. Nueca - kasama sina Bb. Princess Alexa Sevilla - former BCA President/Elder Adviser at bumubuo ng bagong pamunuan ng BCA San Roque sa pangunguna ni Pres. Lildark Joshlee Atienza at mga opisyales ng nasabing samahan.
Naging mga panauhing tagapagsalita at nanguna sa talakayang pambata sa nasabing pagtitipon sina P/MSg. Astrid Aniwasal - PNP San Pablo, Gng. Shirley Armamento - City Health Office, G. John Carlo Resuma, G. Ron Andrei Alfaro at San Pablo CCA Former President Kim Arcelle Cuentas sa bahagi ng CSWDO, Gng. Ronah A. Rimbon, LPT mula sa Education Sector at SK Chairperson Laica Lacap.
Naging makabuluhan ang dalawang araw na pagtitipon lalo na sa mga batang dumalo at nakiisa. Itinuro at pinaalam sa kanila ang mga Karapatang Pambata at kung papaano mamuhay ng maayos at tama para sa kani-kanilang mga kinabukasan. Nagkaroon din ng Palaro at Clown Show na tunay namang nagbigay aliw sa mga bata.
Patuloy naman ang hayagang pagbibigay suporta ni Brgy. Chairman Jose Mari Lopez sa nasabing programa para sa mga kabataan sa kanyang nasasakupan.(BIO-San Roque SPC)
#localnewspapaer
#calabarzon
Comments
Post a Comment