Bawat bata, malaya! Mithiin ng nagkakaisang bansa

 


Calamba, City-Idinaos ng Laguna Industrial Peace Council Inc. at Department of Labor and Employment (DOLE Laguna Provincial Office) ang Project Angel Tree Gift-Giving Activity noong Hulyo 19 sa Provincial Capitol Extension Office, Brgy. Halang, Calamba City, Laguna, bilang bahagi ng pagdiriwang ng 2024 World Day Against Child Labor.

120 dating child laborers ang nabigyan ng iba’t ibang tulong at regalo sa programa, habang 25 pamilya naman mula sa bayan ng Paete ang nabigyan ng carinderia livelihood project sa pagtutulungan ng DOLE at LIPCI, na naglalayong mapabuti ang kalagayang pang-ekonomiya ng mga pamilya at mabawasan ang pag-asa sa child labor.

Ang nasabing programa ay bahagi ng Child Labor Prevention and Elimination Program (CLPEP) na layong itaas ang kamalayan ng mga kabataan tungkol sa kahalagahan ng pagsugpo sa child labor at tiyakin na makakamit nila ang kanilang karapatan sa edukasyon at ligtas na pagkabata. 

Inilunsad din sa programa ang “Balik Eskuwela Bagong Pag-asa Program” na may layong magbigay ng suportang pinansyal at scholarship program para sa mga kabataan upang makabalik sila sa kanilang pag-aaral. 

“Hindi lang ito para sa mga hindi nakakapag-aral kundi i-sustain at pagtapusin kayo at tiyakin ng programang ito makakapagtapos kayo atleast Senior High School, at kami bilang nakakatanda,pipilitain naming tulungan kayo sa pamamagitan ng programang ito.” mensahe ni Vergel Rapin, Committee Chair ng Project Angel Tree 2024.

Dinaluhan ang programa nina DOLE Laguna Provincial Director Guido Recio, Paete Mayor Ronald Cosico, kinatawan nina Rep. Ruth Mariano Hernandez at Calamba City Mayor Roseller Rizal, Laguna Provincial Public Employment Service Office Head Jane Corcuera, mga opisyal ng LIPCI sa panguguna nina Vice Chair for Labor Manny Quizon at Vice Chair for Management John Joseph Cano, at mga ahensya ng pamahalaan na katuwang sa inisyatibo.

Ipinakita sa programa ang dedikasyon at pagtutulungan ng gobyerno at pribadong sektor sa pagtugon sa mga isyu ng child labor sa pamamagitan ng direktang interbensyon at suporta sa mga kabataan.(PIA-4A)

#news

#calabarzon

Comments

Popular posts from this blog

Senator Bong Go adopted son ng Bayan ng Pila

KABAKA San Pablo City Officers bumisita kay Congressman Loreto “Amben” Amante

Laguna PDRRMO holds Incident Command System Position Course