Bayan ng Calauan laging handa sa anumang sakuna
Roseller “Osel” Caratihan
Mayor
Ang mga natural na sakuna ay walang kasiguraduhan kung kelan ito darating kaya mas mabuti na ang laging handa.
Nitong nakaraang Linggo lamang ay hinagupit ang bansa ng Bagyong Carina at higit na tinamaan ang parte ng Luzon, ayon sa datos NDRRMC marami ang nasirang mga bahay, imprastraktura at may ilan na binawian pa ng buhay.
Sa Bayan ng Calauan sa pamumuno ni Municipal Mayor Roseller “Osel” Caratihan ang kanilang bayan ay patuloy na gumagawa ng mga paraan at programa para sa kahandaan sa mga sakuna.
Ayon sa alkade bago pa man pumasok sa bansa ang Bagyong Carina ay kanila ng pinahukay ang mga ”catch basin” na syang ipunan ng tubig ulan upang hindi bumaha sa kanilang bayan.
Personal na pinamumunuan ni Mayor Caratihan ang paghuhukay dahil wala silang operator ng backhoe siya na rin mismo ang nagpaandar nito “Ako mismo ang nag backhoe, wala naman kaming operator ng backhoe” wika ni Caratihan.
Ayon pa kay Mayor Osel, sa kanyang palagay mas makabubuti na ang mga relief funds ay ipunin at saka ipagawa o ipahukay ang mga nagiging sanhi ng pagbaha bago dumating ang bagyo at patuloy na pag-ibayuhin ang mga programa para sa kahandaan sa sakuna “Ganun din ang benefit nun atleast nasa bahay sila, kuntento hindi natin aabutin ang mga malalaking baha” ani pa ni Caratihan.
Ibinahagi ni Osel na meron silang contingency plan at sa pakikipag tulungan ng Sanggunian Bayan ay pilit na isinasaayos ang command post upang maging mas mabilis ang pagresponde kung sakaling may sakuna.
Nanawagan si Mayor Caratihan sa kanyang mga kababayan na patuloy silang magtulungan at huwag magtapon ng basura sa mga ilog, dagdag pa niya ay parating na ang kanilang shredder machine na makututulong sa pagbawas ng mga basura.(Mhadz Marasigan)
Comments
Post a Comment