Groundbreaking Ceremony para sa itatayong bagong City Government Center sa Sto. Tomas

 


Sa isang makasaysayang araw, ang Lungsod ng Sto. Tomas sa pangunguna ni Mayor Atty. Arth Jhun Aguilar Marasigan at Vice Mayor Cathy Jaurigue-Perez ay nagdaos ng isang matagumpay na Groundbreaking Ceremony para sa itatayong bagong City Government Center na ginanap sa Brgy. San Antonio noong ika-18 ng Hulyo.

“Kaakibat ng pagtatayo ng city hall na ito ang mas maigting na paghahatid natin ng aksyon bilis na serbisyo na may ngiting Tomasino.” – Mayor AJAM. 

Ang modernong pasilidad para sa city government center ay sinasabing nasa mahigit dalawang ektarya at walong palapag na magtatampok ng mga makabagong tanggapan at serbisyo na magpapadali sa mga transaksyon at pagtugon sa pangangailangan ng publiko.

Ang seremonya ay dinaluhan ng mga espesyal na panauhin na sina Senator Loren Legarda kasama ang kanyang anak na si Solar Philippines CEO/President G. Leandro Leviste, Governor Dodo I. Mandanas, Vice Governor Mark Leviste, AnaKalusugan Party-list Congressman Ray Florence T. Reyes at G. Cesar Reyes. 

Patuloy ang pagsuporta ni Senator Loren Legarda para sa mga Tomasino, hindi lamang sa itatayong bagong government center pati na din sa tuloy tuloy na programa ng TUPAD, AICS at sa itatayong Ospital ng Lungsod. Kaya’t sa ilalim ng Resolution No. 2024-8971 ay hinirang siya bilang ganap na Anak ng Lungsod ng Sto Tomas.

Nagbigay suporta din sa aktibidad na ito ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod, Vice Mayor Ronin Leviste ng Lian Batangas, SM Management, Department of Public Works and Highways, United Architects of the Philippines, Liga ng mga Barangay, Former Barangay Captains, Sangguniang Kabataan, National Government Agencies, Private Companies, mga kawani ng lokal ng pamahalaan at iba’t ibang organisasyon. 


#localnewspaper

#calabarzon

Comments

Popular posts from this blog

Senator Bong Go adopted son ng Bayan ng Pila

KABAKA San Pablo City Officers bumisita kay Congressman Loreto “Amben” Amante

Laguna PDRRMO holds Incident Command System Position Course