"GULONG NG BUHAY" HANDOG NI ERIC " BOLADO" LOPEZ SA MGA TODA NG ALAMINOS LAGUNA

Alaminos-Mahigit 800 na tricycle drivers ang pinagkalooban ng libreng gulong ni Eric "Bolado" Lopez para sa kanilang hanapbuhay. Si Lopez ay isang negosyante at pilantropo mula sa naturang bayan. Simula pa noong panahon ng pandemya ay tumutulong na sa mga taga Alaminos. Ayon sa mga  miyembro ng TODA, ilang dekada na silang namamasada ngunit ngayon lamang sila nakatanggap ng libreng gulong at kalinga na kagaya nito.
Simula July 1 hanggang July 7,  2024 ay namahagi si Bolado ng tulong sa ibat- ibang sektor sa Alaminos.   

  Bilang bahagi ng kanyang kaarawan, nagkaloob din siya ng libreng bigas para sa mga PWD's, senior citizens, kababaihan, solo parents, LGBTQA, at NGO's.                           Binigyan din niya ng livelihood training ang mga kababaihan at patimpalak para sa mga LGBTQ. 
Si Eric "Bolado" Lopez ay nagpahayag  ng kanyang kahandaan na  maglingkod sa bayan ng Alaminos ngunit ang pagtulong niya ay matagal na niyang ginagawa wala pa man siya sa larangan ng pulitika.
Ang kasalukuyang Vice-  Mayor na si Vic Landicho Mitra ay buo ang suporta sa kanyang layunin, at maging ang mga dating naglingkuran na sa  Alminos na si former Mayor Ruben Alvarez, former Vice Mayor Jinky Masa Pampolina, former councilor Cannie Calabia, Junjun Mamiit, Rammel Banzuela, Morris Matibag, Lino Zuñiga at incumbent Councilor Joey Briz.
Nagpapasalamat si Lopez sa mga nakiisa sa kanyang kaarawan at nangakong patuloy na maglilingkod sa mga kababayan.           Patuloy rin niyang susuportahan ang mga estudyante sa kolehiyo na kapos sa pinansiyal para makamit nila ang kanilang mga pangarap. (By: SJF)

#news

Comments

Popular posts from this blog

Senator Bong Go adopted son ng Bayan ng Pila

KABAKA San Pablo City Officers bumisita kay Congressman Loreto “Amben” Amante

Laguna PDRRMO holds Incident Command System Position Course