Huwag kang matakot
Kailanman ay walang buting dulot ang pagiging matatakutin, ngunit minsan ay hindi natin maiwasan ang matakot lalo na kung may kinahaharap na nakakatakot na sitwasyon.
Noong nalaman ko ang resulta ng biopsy ko at positibo nga na meron akong cervical cancer sobra ang takot ko, ang dami tanong ang naglalaro sa isipan ko, malapit na ba ako mamatay?,ilang taon o buwan na lang ba ng itatagal ko?, paano ang anak ko na maiiwan ng walang ina?,paano ang mga pangarap ko?, bakit ako?, bata pa ako?
Ilang araw na hindi ako mapakali at makatulog dahil sa pag-iisp at sa takot na posible na mangyari saken. Sinubukan kong makinig sa online preaching, doon sinabi ng Pastor na walang naidudulot na mabuti ang takot at mas mainam kung lumapit kay Jesus at manalangin. Ganun nga ang aking ginawa at natagpuan ko ang tugon ng Panginoon sa kanyang banal na aklat sa
Isaiah 41:10 So do not fear, for I am with you; do not be dismayed, for I am your God. I will strengthen you and help you; I will uphold you with my righteous right hand.
Psalm 46:10 He says, “Be still, and know that I am God; I will be exalted among the nations, I will be exalted in the earth.”
Sa aking pananalangin malinaw kong narinig ang tinig ng Dios “acceptance” ang salitang mismong sinabi ng Dios sa akin, buong tapang kong tinanggap na meron akong cancer dahil alam kong sa paglaban ko sakit na iyon ay hindi ako ngiisa kasama ko ang Dios, siya ang magbibigay ng kalakasan sa akin.
Sa Dios ang pinakamatas na papuri napagtagumpayan naming
ang laban. Sa darating na August 2024 ako ay dalawang taon ng cancer free.
#editorscorner #Sharing #story #mystory #positivibes
Comments
Post a Comment