Inter-Department slogan making contest ginanap sa pangunguna ng City Population Office

 

San Pablo city-Noong nakaraang Hulyo 5, 2024 sa tagubilin ni Punonglungsod Vicente B. Amante ay isinagawa ang inter-department slogan making contest na pinamunuan ng City Population Office at ni City Population Officer Mylene T. Derequito.

    Nakilahok ang 7 tanggapan ng pamahalaang lokal at nagwagi ang mga tanggapan ng City Tourism, City Agriculture at City Planning. Ang mga naging hurado sa nasabing slogan making contest ay sina Konsehal Eldrich Khristoffer B. Villanueva na kinatawan ng kanyang staff, si Konsehal Syra A. Medina at si Mr. Rosandro Belarmino na President ng Seven Lakes Pres Corps. (CIO-San Pablo)

Comments

Popular posts from this blog

Senator Bong Go adopted son ng Bayan ng Pila

KABAKA San Pablo City Officers bumisita kay Congressman Loreto “Amben” Amante

Laguna PDRRMO holds Incident Command System Position Course