Usapang Barako: Prostate Cancer Awareness

Usapang Barako: Prostate Cancer Awareness

Isang daan at animnapu’t anim (166) Tomasinong kalalakihan mula sa iba’t ibang sektor ng ating lungsod ang aktibong nakilahok sa programing “Usapang Barako: Prostate Cancer Awareness,” kung saan ay nabigyan sila ng libreng Prostate-Specific Antigen (PSA) test screening bilang bahagi ng selebrasyon sa Buwan ng mga Ama at National Prostate Cancer Awareness, Hunyo 26.

    “Ang pagbibigay ng ating pamahalaang lokal ng mga leksiyon tungkol sa cancer awareness at libreng PSA screening ay bahagi ng ating pagsisikap na maghatid ng maagang pagtuklas sa prostate cancer. Patuloy nating patataasin ang kamalayan at pag-unawa sa mga sakit na maaaring maiwasan at mapagaling sa pamamagitan ng regular na pagsubaybay at pangangalaga sa inyong kalusugan”, saad ni Mayor AJAM.
    
    Sa pangangasiwa ng Health and Education Promotion Unit at suporta nina Mayor Atty. Arth Jhun Aguilar Marasigan, Vice Mayor Cathy Jaurigue-Perez at mga miyembro ng Sangguniang

    Panlungsod ay patuloy tayong magsasagawa ng mga programang magtataguyod para sa masiglang kalusugan ng ating mga mamamayang Tomasino.


#news

#Calabarzon

Comments

Popular posts from this blog

Senator Bong Go adopted son ng Bayan ng Pila

KABAKA San Pablo City Officers bumisita kay Congressman Loreto “Amben” Amante

Laguna PDRRMO holds Incident Command System Position Course