Medical at Dental Mission Caravan handog ni Cong. Amben Amante sa kanyang mga kababayan



 

San Pablo City- Humigit kumulang 1500 katao mula sa pitong barangay 1. Brgy. Del Remedio, 2. Brgy. Maria Magdalena, 3. Brgy. San Juan, 4. Brgy. San Mateo, 5. Brgy. Sta. Felomina, 6. Brgy. San Crispin at 7. Brgy. San Marcos ng lungsod ang nabiyayaan ng libreng medical, dental checkup, laboratory, surgery at gamot handog ng tanggapan ni Laguna 3rd District Representative Loreto “Amben” S.  Amante na ginanap sa Brgy. Del Remedio Elementary School noong nakaraang Sabado, July 20. 2024.

Ang nasabing medical at dental mission ay naging posible dahil sa pakikipag-ugnayan ni Cong. Amben sa tanggapan ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez.



Naging katuwang din ng kongresista ang lokal na pamahalaang Lungsod ng San Pablo sa pangunguna ni City Mayor Vic Amante at City Health Office sa pamumuno ni Dr. James Lee. Ho

Ayon sa kongresista mayroong din mga partylist na nais tumulong sa kanyang hangarin at nagbigay ng mga wheelchair. Ang pitong nasabing barangay ay tumanggap ng tig-lilimang wheelchair para sa kanilang mga benepisyaryo.

Ayon pa kay Cong. Amante, magkakaroon ng clustering ang kanilang pag-ikot sa ikatlong distrito.



Maaring makipagugnayan sa inyong mga Punong Barangay para malaman ang schedule ng Medical at Dental Mission sa inyong lugar o maaring tingnan ang Congressman Amben Amante Updates FB page para sa iba pang detalye. (Mhadz Marasigan)


#news

#calabarzon

Comments

Popular posts from this blog

Senator Bong Go adopted son ng Bayan ng Pila

KABAKA San Pablo City Officers bumisita kay Congressman Loreto “Amben” Amante

Laguna PDRRMO holds Incident Command System Position Course