Medical at Dental Mission sa Laua-An, Antique, sinuportahan ni Senator Bong Go
Ang kalusugan ay katumbas ng buhay ng bawat Pilipino!
Namahagi ng karagdagang suporta si Senator Bong Go sa
isinagawang medical at dental mission sa Guisijan Covered Court sa Laua-an,
Antique na pinangunahan nina Vice Governor Edgar 'Ed' Denosta, Laua-an Mayor
Ontoy Aser Samillano Baladjay, at Vice Mayor Francisco 'Badong' Baladjay.
Noong July 5, ipinadala ni Senator Kuya Bong Go ang kanyang
Malasakit Team para makapagbigay ng pagkain, shirts, at bola ng basketball at
volleyball sa 400 na residenteng nag-avail ng libreng medical at dental na
serbisyo.
Binigyang-pugay naman ni Senator Bong Go, Chair ng Senate
Committee on Health, ang inisyatiba ng lokal na pamahalaan ng Laua-an na
matulungan ang mga kababayan nilang lubos na nangangailangan.(Bong Go FB Page)
#calabarzon
Comments
Post a Comment