National Disaster Resilience Month Celebration sa San Pablo City
Nooong Hulyo 8, 2024 Pinangunahan nina Mayor Vicente B. Amante at CDRRMC Chairperson; City Administrator Larry S. Amante at CDRRMC Vice-Chairperson at CDRRMO Chief Margarita Vanessa Titular-Reyes, ang taunang selebrasyon ng National Disaster Resilience Month ngayong Hulyo, na may temang “Bantayog ng Katatagan at Pagbubuklod ng Layuning Kahandaan”. Bilang pagsisimula ay kanilang pinamunuan ang Pagtataas ng Watawat kaninang umaga at Motorcade. Magsasagawa rin sila ng Emergency Operations Center Executive Course Training sa Hulyo 11; Rescuelympics 2024 sa Hulyo 13 at Decade of Resilience sa Hulyo 27.
Nakiisa rin sa Pagtataas ng Watawat ang lahat ng bumubuo ng Sangguniang Panlungsod sa pangunguna ni Vice-Mayor Justin G. Colago. Nagpasalamat at nagbigay ng papuri ang butihing Vice-Mayor sa lahat ng kawani ng CDRRMO para sa walang kapagurang pagsisilbihan ng kanilang tanggapan sa tuwing may mga bagyo at iba pang sakuna. Pagmamalaki ring ipinabatid sa lahat na itinanghal ang CDRRMO San Pablo bilang Champion sa naganap na LADDRMO Sports Festival, National Disaster Month 2024.(CIO-San Pablo)
#news
#calabarzon
Comments
Post a Comment