Pagdiriwang ng anibersaryo ng pagkakatatag ng City Information Office ng Lunsod ng San Pablo, ginanap
San Pablo City- Ginanap ang pagdiriwang ng Anibersaryo ng Pagkakatatag ng City Information Office (CIO) nuong Sabado, Hulyo 27, 2024 sa Hotel Amihan and Resort, Brgy. San Jose. Sa pamumuno ni City Information Officer Enrico B. Galicia ay binigyan ng pagkilala at parangal ang mga naging bahagi ng CIO sa nakaraang 32 taon.
Binigyang pagkilala sina Ka Ruben Taningco at G. Rosandro Belarmino sa natatangi nilang ambag sa lokal na pamamayahag gayundin ang pagtulong at walang sawa nilang pagsuporta sa nasabing tanggapan. Pinarangalan din ang mga natatangi at masisipag na kawani ng CIO. Tumanggap ng maringal na pagkilala si Supervising Administrative Officer Nancy M. Belarmino sa kanyang serbisyo sa tanggapan sa loob ng 31 taon.
Ginawaran din ng parangal ang mga Barangay Information Office at Officers sa kanilang kahusayan at kasipagan na makapagbigay ng balita at impormasyon hindi lamang sa kani-kanilang barangay gayundin sa buong lungsod. Kinilala ang Top 3 BIO ng Sta. Filomena, San Roque at Soledad na nakatanggap ng Computer Set na kaloob ni Congressman Loreto S. Amante. Tumanggap naman ng cash incentives ang BIO San Joaquin, BIO San Cristobal at sina BIO San Lorenzo-Jonell Deyparine; BIO Santisimo Rosario-Elena Cortez ; BIO San Isidro-Aerone Gloriane; BIO San Antonio I Maricar Escriba at BIO San Roque Arman Gerard Bicomong, bilang mga Best BIO News Presenters para sa BIO In Action Weekly Report. Tumanggap din ng parangal ang mga former CIOs na sina Chief of Staff Edgardo Collado at Mr. Benedicto Danila.
Dumalo sa pagdiriwang sina Laguna Provincial SK Federation President at Ex-Officio Board Member Bhenj Stephen Felismino, Vice-Mayor Justin G. Colago at lahat ng miyembro ng Sangguniang Panglunsod, former City Information Officers, ilang miyembro ng Local Media and Publishers, mga Department Heads, staffs ng tanggapan ni Cong. Amben Amante at mga Barangay Information Officers sa iba’t-ibang barangay.
Kaya lubos ang pasasalamat ni CIO Galicia at ng kanyang buong Staff kina Congressman Loreto S. Amante, Mayor Vicente B. Amante, Mayora Gem Castillo, City Administrator Larry S. Amante, Vice-Mayor Justin G. Colago at buong Sangguniang Panlungsod, Bokal Bhenj Stephen Felismino, Chairman Benjamin Felismino, PNR Dircetor Rondel Diaz at mga Barangay Chairman sa kanilang tulong at suporta. Pasasalamat rin sa mga opisyales ng BIO Network sa pamumuno ni President at Kagawad Ardion Louise Guia na nagfacilitate ng programa. (CIO/BIO-Kagawad Ardion Guia)
#localnewspaper
#Calabarzon
Comments
Post a Comment