Pamamahagi ng school supplies at uniform sa mga Public School sa Calamba, nagsimula na

 


Nagsimula ngayong araw, July 1, 2024, ang pamamahagi ng school supplies at uniform para sa mga mag-aaral ng Central I, Lamesa Elementary School, Mangumit Elementary School, at Buntog Elementary School kasama si Calamba DepEd Division Superentindent Dr Merthel Evardome.

Ayon kay Mayor Roseller H. Rizal, lahat ng mga estudyante sa mga public schools mula Day Care, Kinder, Elementary, High School, at Senior High School ay makakatanggap ng tig-tatlong uniform at mga school supplies sa loob ng school bag.

Dagdag pa niya na lahat ng 73 public schools at 81 Day Care Centers ay mabibigyan. "Sa taong ito ay mas pinalawak, mas maayos, at mas kumpleto ang bag, gamit, at uniform para sa mahigit kumulang 120,000 na mga kabataan. Programa po natin ito na may layuning masiguro na ang ating mga kabataan ay talagang makakapagpatuloy ng kanilang pag-aaral at makatapos. Inaasahan nating maging maayos ang kanilang buhay pagdating ng araw," wika ni Mayor Rizal.

Nagpasalamat naman si Mrs. Anita ng Sitio Mangumit, Canlubang, Calamba City. Aniya, ngayon lang nila naranasan ang makatanggap ng sobra-sobrang gamit sa school ng kanyang mga anak dahil nakatanggap ito ng sampung notebook, mga ballpen, at tatlong uniform ang bawat isang estudyante. Dagdag pa niya, napakagandang kalidad ng bag at nagpasalamat din siya natanggap na grocery items mula kay Mayor.

Layunin ng programang pamamahagi ng Libreng Gamit sa Eskwela na matapos maibigay sa lahat ng public schools bago magsimula ang klase sa nalalapit na pasukan. (Joel Cabactulan)



Comments

Popular posts from this blog

Senator Bong Go adopted son ng Bayan ng Pila

KABAKA San Pablo City Officers bumisita kay Congressman Loreto “Amben” Amante

Laguna PDRRMO holds Incident Command System Position Course