Programa para sa Kabataang Pakileño
Pakil, Laguna- Nasa 41 na mga kabataang Pakileño ang nakasali sa Special Program for Employment of Students (SPES) sa Kanlurang Pakil.
Ang SPES ay programa ng Department of Labor and Employment (DOLE) na mabigyan ng oportunidad ang mga mag-aaral na makapagtrabaho sa panahon ng kanilang bakasyon.
Ang kikitain nila dito ay magagamit nila sa kanilang pag-aaral gayundin ay magkakaroon pa sila ng produktibong karanasan habang sila ay nagtratrabaho sa tanggapang local.
Ang mga kaalaman na kanilang matutunan ay maari nilang magamit sa kanilang pagtatapos ng pag-aaral at pag-aaplay ng trabaho.
Ang nasabing programa ay tatagal ng 20 araw na may kaukulang sweldo na Php568 kada araw.
Mangyaring makipag-ugnayan kay PESO Manager, Rusella Bacani kung may mga katanungan. (RJ Reportorial/Mayor Vince Soriano FB Page)
Comments
Post a Comment