Sen. Imee Marcos isinusulong ang 6 year term ng mga Barangay at SK officials

  Calamba City-“Gawan na natin na ma-amyendahan ang Local Govermnet Code, i-takda na natin na anim na taon ang lahat ng official sa barangay” pahayag ni Senator Imee sa kanyang pakikipag diyalogo sa mga barangay officials ng Calamba City at Santa Rosa City noong nakaraang July 3, 2024 na ginanap sa Jose Rizal Coliseum, Calamba City, Laguna.

Dumalao sa nasabing programa sina Calamba City Mayor Roseller “Ross” Rizal, ABC Pres. Pio Dimapilis kasama ang mga 53 Barangay Chairman ng lungsod, mga Sangguniang Kabataan at mga opiyales din ng Santa Rosa City.

Sa pahayag ni Senator Imee Marcos, nais niyang hingin ang suporta ng mga opiyales ng lokal na pamhalaan at mga barangay hingil sa isinusulong niyang panukalang batas upang ma-amyendahan ang Local Government Code particular ang pagpapalawig ng termino ng barangay officials hanggang anim na taon.

Senator Imee Marcos kasama si Calamba City Mayor Roseller "Ross" Rizal at mga Chairman ng 53 Barangay sa lunsod.


Matatandaan na si Senator Imee Marcos ang Chairperson ng Committee on Electoral Reforms and Peoples participation sa Senado.

Ayon kay Sen. Imee, nakikita nya na hindi sapat ang 18 buwang panunungkulan ng mga ito upang maisagawa ang mga programa at proyekto na naipangako noong panahon ng kampanyahan.

Nabanggit din Sen. Marcos, na mabigat ang magiging gastos ng pamahalaan ng COMELEC gayundin ang trabaho ng mga ito, dahil kung magkakataon ay 3 election ang magaganap sa susunod na taon, una ay ang kaunahang BARMM election, ikalawa ay ag automated mid-term election na sabay gaganapin sa Mayo at ikatlo ang BSKE election na gaganapin ng Disyembre.

Ang nakikitang solusyun dito ng senadora ay ang ma-amyendahan ang Senate Bill 2629 To set the terms at six years for all Barangay Officials at Senate Bill 2707 An act synchronizing the Sangguniang Kabataan (SK) with the National and Local Election and for other purposes.

Ayon pa sa kay Sen. Imee, nais din niyang itakda na matapos ang isang taon ng presidential election ay saka naman gaganapin ang BSKE election.

Sa huling panapalita ni Senator Imee Marcos ay kanyang hiningi ang tulong at suporta ng mga barangay officials upang magsagawa ng resolusyon para anim na taong termino ng mga opisyales ng barangay upang agaran itong mapagusapan sa senado. (Mhadz Marasigan)

#news

Comments

Popular posts from this blog

Senator Bong Go adopted son ng Bayan ng Pila

KABAKA San Pablo City Officers bumisita kay Congressman Loreto “Amben” Amante

Laguna PDRRMO holds Incident Command System Position Course