San Pablo City First Lady Gem Castillo bumisita sa Mabitac, Laguna
Mabitac, Laguna- Naging panauhin si San Pablo City First Lady Gem Castillo sa isinigawang pagtataas ng watawat ng pamahalaang bayan ng Mabitac noong nakaraang Lunes ika-22 ng Hulyo 2024.
Magiliw ang pagtangap na ginawa nina Mabitac Municipal Mayor Alberto Reyes at Mayora Maria Cristy Reyes sa unang ginang ng Lungsod ng San Pablo.
Labis ang katuwaan ng mga taga Mabitac ng sila ay handugan ng awit ni Mayora Gem Castillo.
Sa mensahe ng unang ginang nais niyang madala sa lalawigan ng Laguna ang mga magandang programa na ginawa ni Mayor Vic Amante sa Lungsod ng San Pablo tulad ng libreng gamot, pag pagpapaospital at pag-aaral.
Nagsabi si Mayora Gem, na sa abot ng kanyang makakaya ay tutulong sya sa nasabing bayan lalot higit sa pagsasaayos ng simbahan nito.
#vlognigem
#gemcastillo
#Laguna
#MabitacLaguna
#highlights
Comments
Post a Comment