12 Barangay ng Lunsod ng San Pablo napadagdag muli sa Drug Cleared Barangays
San Pablo City- Noong nakaraang Agosto 6, 2024 lubos ang kasiyahan at pasasalamat ni Mayor Vicente B. Amante at City Anti-Drug Abuse Council (CADAC) Chairperson, sa mga Barangay Chairman at Officials ng 12 barangays sa lunsod na pumasa sa isinagawang Regional Oversight Committee on Barangay Drug Clearing Program Deliberation ng Region IV-A ng PDEA, DOH, PNP at DILG nuong July 30, 2024.
Pumasa sa isinagawang deliberation ang Barangays III-D ni Chairman Norwin T. Dimatulac; III-C ni Chairman Jefferson N. Enobio, II-A ni Chairman Rodelson S. Himor; Dolores ni Chairman Nomar D. Rivera; San Buenaventura ni Chairman Jerry Z. Briz; San Diego ni Chairman Jeric C. Caguite; San Joaquin ni Chairman Silverio M. Lat; San Juan ni Chairman Aniano H. Belda; Sta. Ana ni Chairman Joel A. Opulencia; Sta. Elena ni Chairman Ariel B. Cuentas; Sta. Felomina ni Chairman Doroteo A. Tolentino at Sta. Isabel ni Chairman Mc Renz John C. Cabance.
Pinamunuan ni Police Senior Master Sergeant Pamela Cera sa patnubay ni San Pablo City Chief of Police, PLtCol. Wilhelmino S Saldivar, Jr. ang preparasyon ng mga documents para sa nasabing Barangay Drug-Clearing. Naging bahagi rin si CADAC Focal Person Purificacion P. Morales para sa logistic support at assistance sa finalization ng mga reports. Manggagaling rin sa CADAC ang incentives na 100k para sa urban at 200k sa rural barangays. (CIO-San Pablo)
#news
#CALABARZON
Comments
Post a Comment