Bokal sa pusong paglilingkuran ni Charles Caratihan para sa Ikatlong Distrito ng Lalawigan ng Laguna
Calauan, Laguna- “Nais ng inyong lingkod Charles Caratihan na palawakin pa ang serbisyong bokal sa puso sa Ikatlong Distrito ng Laguna” pahayag ni Calauan Municipal Councilor Charles Caratihan sa panayam sa kanya noong nakaraang July 30, 2024 sa kanyang Calauan Conference Hall.
Si Charles Caratihan ang pinakabatang naging konsehal sa bayan ng Calauan at nasa huling termino na sa kanyang panunungkulan.
Ayon kay Konsehal Charles, sa Pangunguna ng kanyang ama Mayor Roseller “Osel” Cartihan katuwang ang Sangguniang Bayan ay naging progresibo ang pag-unlad ng bayan Calauan.
Nabangit ni Konsehal Charles na nais din niyang ilahad sa ikatlong distrito sa pamamagitan niya ang mga programa at proyekto na nakapag paunlad sa kanilang bayan.
Ibinahagi ni Charles Caratihan ang naisin niyang lumahok sa eleksyon 2025 upang mapalawig pa ang kanyang mapagserbisyuhan.
“Ang mga namamatayan sa dalawang rason, sila ay umiiyak sa mahal ng kabaong at pagpapalibing, dito po sa bayan ng Calauan nagawa ng ama ng bayan kasama ang Sangguniang bayan na mapalibre ang kabaong, nais po natin iextend na mapamura kungkakayanin para sa ikatlong distrito ng Lalawigan ng Laguna” ani pa ni Charles.
“Ayaw ko mag salita, dahil madali pong sabihin mahirap gawin, gusto kong makita ng mga tao na kung akoy kanila pong pagkakatiwalaan ay hindi lamang po magaling sa salita ay magaling sa gawa” dagdag pa ni Caratihan. (Mhadz Marasigan/Lynn Domingo)
#news
#CALABARZON
Comments
Post a Comment