CONG. AMBEN AMANTE NAGBIGAY NG WHEELCHAIRS SA LAGUNA HOLY FAMILY HOSPITAL


 Noong nakaraang  July 31, 2024,nagkaloob si Congressman Loreto “Amben” S. Amante  ng sampung wheelchairs sa Laguna Holy Family Hospital, Inc. Ang karagdagang wheelchairs ay makapapagbibigay ng mas kalidad na tulong o pag aalaga sa mga pasyente ng ospital lalung lalo na sa mga Senior Citizens na hirap sa paglalakad. Hindi lamang mga residente mula sa Ikatlong Distrito ng Laguna ang makikinabang sa mga wheelchairs gayun din ang buong lalawigan ng Laguna.  Tinanggap nila  Ms. Leonie Marie Dela Torre (Quality Assurance Officer)at Ms. Christerjoy Norte (Medical Social Worker) ng Laguna Holy Family Hospital, Inc. ang mga wheelchairs na pinagkaloob sa tulong ng ilang  Congressional Staff Members na sina Mr. Ivan Lemuel L. Yuson, Ms. Martha B. Tolentino ,Mr. Christian Angelo A. Capuno at Mr. Orlando Tibay. (Photo Credit:Diogen Bunquin)


#news

#CALABARZON

Comments

Popular posts from this blog

Senator Bong Go adopted son ng Bayan ng Pila

KABAKA San Pablo City Officers bumisita kay Congressman Loreto “Amben” Amante

Laguna PDRRMO holds Incident Command System Position Course