Culminating Activity ng Nutrition Month 2024 isinagawa
San Pablo City- Isinagawa noong nakaraang Hulyo 31 sa Pamana Hall ang closing at awarding ceremony ng Nutrition Month 2024 kung saan ginawaran ng mga sertipiko ang mga nagwagi sa iba’t-ibang patimpalak at mga tumulong at nakiisa sa matagumpay na pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon sa Lunsod ng San Pablo.
Ang programa ay sa pagtataguyod ng City Population Office sa pamumuno ni City Population Officer Mylene T. Derequito at sa pakikipagtulungan nina Mayor Vicente B. Amante, Vice-Mayor Justin G. Colago at Sangguniang Panlungsod at City Administrator Larry S. Amante
Tumanggap ng premyo at sertipiko ang mga nagwagi sa Inter-Department Slogan at Backyard Gardening Contests. Nagkaloob naman ng sertipiko sa mga Service Awardees; City Outstanding BNS and OBNS Finalists at City Nutrition Committee and TWG members. Certificate of Recognition naman ang iginawad sa mga sponsors, kay Congressman Loreto S. Amante, City Information Officer Enrico B. Galicia at sa Rotary Club of San Pablo City Central, Rotary Club of San Pablo City Main, San Pablo City Host Lions Club, San Pablo City Emerald Lions Club, Kiwanis Club of Lake City at Kiwanis Club of Siete Lagos.(CIO-San Pablo)
#news
#CALABARZON
Comments
Post a Comment