DAGDAG SA SOCIAL PENSION NG MGA SENIOR CITIZENS, PINAGTIBAY SA 105TH REGULAR SESSION NG SANGGUNIANG PANLUNGSOD
DAGDAG SA SOCIAL PENSION NG MGA SENIOR CITIZENS, PINAGTIBAY SA 105TH REGULAR SESSION NG SANGGUNIANG PANLUNGSOD
August 1, 2024- Pinagtibay sa 105th regular session ng Sangguniang Panlungsod nuong Hulyo 29 ang MOA sa DSWD IV-A ukol sa pagpapatupad ng RA 11916 o “An Act Increasing the Social Pension of the Indigent Senior Citizens and Appropriating Funds”. Inaprubahan rin ang Barangay Budgets ng San Antonio I at San Joaquin. Ni-ratify naman ang MOA sa 3J Corporation para sa construction/operation ng Pig/Cattle Slaughter House, Triple A category sa Brgy. Sta. Maria at kung saan mayroong kaukulang share ang LGU at NMIS sa slaughterhouse/inspection fees. Ratification din ng MOA sa NMIS at 3J Corporation para sa regulation ng slaughterhouse, sale at disposition ng mga hayop para sa human consumption at operation ng private markets at slaugtherhouse
Pinagtibay rin ang iba’t-ibang commendation at pagbati. Inaprubahan ang commendation sa Local Development Council at proposal ni Councilor Angie E. Yang sa mga nagbigay ng karangalan sa lunsod kung saan nakakuha ng 97% (Highly Functional-All LGUs of Laguna) sa Committee on Anti-Trafficking and Violence Against Women and their Children (C/MCAT-VAWC) Functionality Audit at rating na Mature sa City/Municipal Council for the Protection of Children (C/MCPC) Functionality Audit for 2024. Pinagtibay rin ang proposal ni Councilor Syra A. Medina na pagbati kay Clarisse Jillian M. Recio ng Brgy. Sta. Monica na nakakuha ng Silver Medal sa Individual Poomsae Taekwando sa Palarong Pambansa 2024. Inaprubahan rin ang mga commendation sa mga local mediaman Ruben E. Taningco at Rosandro A. Belarmino; Top 10 Barangay Information Office at BIO Reporter; at mga former CIO, Rolando A. Inciong, Benedicto Danila, Aristidy Alcantara, Adolfo Vergara, Janet Capuno, Edgardo Collado at Leonides Abril, Jr.; CDRRMO at pagbati sa Iglesia Filipina Independiente. Inaprubahan rin ang Ordinance para sa creation ng City Architect, CGDH I SG 25/1 effective August 1, 2024. (CIO/Nanz/Majo/Nickson/Dean)
#localnews
#balitangsanpablo
Comments
Post a Comment