HAND TRACTOR AT RICE PLANTER IPINAMAHAGI SA MGA PILING BENEPISYARYO SA BAYAN NG PAGSANJAN

HAND TRACTOR AT RICE PLANTER IPINAMAHAGI SA MGA PILING BENEPISYARYO SA BAYAN NG PAGSANJAN

Pagsanjan, Laguna- Pinagunahan ni Municipal Mayor Cesar V. Areza kasama sina Municipal Agriculture Head Elda Madiaga at miyembro ng Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Vice Mayor Terryl Talabong  ang pamamahagi ng 12 Hand tractor at 2 Rice Planter, kasabay din nito ang pag gawad ng Barangay Mini Garbage Truck na magagamit sa maliliit na daan o eskinita noong nakaraang Lunes ika-12 ng Agosto 2024 kasabay sa seremonyas ng Pagtataas ng Watawat.
Sa pakikipagugnayan ni Mayor Areza sa tanggapan ng Department of Agriculture 4A ay naibigay ang mga nasabing makina sa pagsasaka sa ilalim ng programang Rice Competitiveness and Enchancement Funds Mechanization Program.

Iginawad din ang 3 truck ng Barangay Mini Garbage Truck na maaring magamit ng barangay na maliliit o makipot na daan.

Nang araw din iyon ay ginawad sa ilang residente ng Brgy. Dingin ang MOA kaugnay sa lupang kinatitirikan ng kanilang tahanan.

Nais ni Mayor Areza na tuluyang maging maunlad ang bayan ng Pagsanjan ito ay sa pamamagitan ng pagpapayabong ng kanilang turismo. Ito ay maisasakatuparan kung madaragdagan ang mga establisyimento sa kanilang bayan.

Bukas ang panawagan ni Mayor Areza sa mga nais na magtayo ng negosyo sa kanilang bayan. 

Naniwala ang mayor na kapag napalakas ang negosyo marami ang magkakaroon ng trabaho at magiging maginhawa ang bawat pamilya.(Mhadz)

#localnews
#calabarzon
#pagsanjan



Comments

Popular posts from this blog

Senator Bong Go adopted son ng Bayan ng Pila

KABAKA San Pablo City Officers bumisita kay Congressman Loreto “Amben” Amante

Laguna PDRRMO holds Incident Command System Position Course