Ika-405th Araw ng Cavinti at Sambalilo Festival 2024, sabay na ipinagdiwang
Ika-405th Araw ng Cavinti at Sambalilo Festival 2024, sabay na ipinagdiwang
Cavinti, Laguna- Ika-405th Araw ng Cavinti at Sambalilo Festival sabay na ipinagdiwang na may temang Makulay na Turismo at Kultura Para sa gARRANTisadong Progresong kay Saya na simula August 1-7, 2024.
Ang Sambalilo Festival ay ginaganap bilang pagbibigay pugay sa mga manggagawa o naglalala ng samabalilo na yari sa pandan. Nagsimula ang programa sa parada na nilahukan ng ibat-ibang grupo, tinampok ang ibat-ibang booth na nagpapakita ng maraming uri ng Sambalilo at produktong yari sa pandan kasama na ang mga prutas at gulay na ani ng agrikultural ng nasabing bayan.
Pinangunahan ni Cavinti Municipal Mayor Arrantlee Arroyo kasama ang Sangguniang Bayan sa pamumuno ni Vice Mayor Milbert Oliveros.
Ayon Kay Cavinti Mayor Arrantlee Arroyo, ang Sambalilo Festival ang pinakamakulay at pinakamagandang fiesta sa Lalawigan ng Laguna at kanila itong pinaghandaan ng husto para maitampok ang pinakamalaking Sambalilo sa buong mundo.
Ang Cavinti ay kinilala bilang Glamping Capital of the Philippines at may hawak ng Guinness World Records na may pinakamalaking Sambalilo sa buong mundo na may sukat na 13.05 diameter, (42 ft 9.7 in) in diameter, height 2 metres and the width of the central dome is 3 metres na nakamit noong August 1, 2016.
Bahagi ng Sambalilo Festival ay ang pagpapamalas ng angking galing ng mga street dancers, na nagbigay buhay sa unang araw pa lang ng kaganapan, naging tampok din ang confetti drop na inabangan ng lahat na naging posible sa pamamagitan ni PNP Air Unit Acting Chief PCOL Serafin Petalio II.
Sinigurado ni Mayor Arrantlee na ligtas, matiwasay at magiging kasiya-siya ang pagbisita sa Sambalilo Festival.
Ayon kay Mayor Arroyo, katuwang niya ang Cavinti MPS sa pamumuno ni PMAJ. Celso Jhune Talampas, LPMFC 3rd Manuever Platoon kasama ang team leader na si PCpt Segio Amaba, at First Infantry Battalion na pinangungunahan ni PLT Noel Wamil PA.
Ibinihagi rin ni Mayor Arroyo na patuloy ang progreso ng kanilang bayan dahil sa mga tourist destination na patuloy nilang pinapaganda at pinagyayabong. Ang Sambalilo Festival ay isang pagdiriwang na nagdudulot ng saya at pagkakaisa nila tungo sa pagasenso at progresibong Bayan ng Amazing Cavinti (Lynn Domingo/Mhadz Marasigan)
#localnews
#Calabarzon
Comments
Post a Comment