Muling AKAP ni Congressman Amben Amante
Muling nagsagawa ng “pay out” ang Tanggapan ni Congressman Loreto S. Amante sa 657 benepisyaryo ng Ayuda Para Sa Kapos Ang Kita (AKAP) ng Department of Social Welfare and Development mula sa iba’t ibang barangay sa sakop ng 3RD Legislative District of Laguna, na inirekomenda ng mga City/Municipal Social Welfare and Development Office, at pagpapatibay ng DSWD Evaluator, noong nakaraang Biyernes ng umaga, Agosto 2, na ginanap sa San Pablo City Central School Stadium sa Barangay (VI-A) Mavenida, na ang pamamahagi ng tulong ayon kay Bb. Cherrylyn Guera Cus, opisyal na tagapagsalita sa Tanggapan ng Mambabatas, ay sa tuwirang pamamahala nina Project Development Officer Arnel Pareja at Administrative Aide Roland Custodio,sa tulong ni dating City Social Welfare and Development Officer Grace D. Adap, sa pamamag-itan nina Bb. Rica Joy Recto, Susan Calaogao, at Merielle Collado ng DSWD-Social Welfare and Development (SWAD) sa Laguna. Ito ay isang inisyatibo ni House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez. (Ruben E. Taningco/Photo: Diogenes L. Bunquin)
#NEWS
#CALABARZON
Comments
Post a Comment