Muling AKAP nina Bongbong at Amben
Muling namahagi ng tulong ang Tanggapan ni Kinatawan Loreto “Amben” S. Amante sa ilalim ng Ayuda Para Sa Kapos Ang Kita Program (AKAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) bilang local partner nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. at House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez.
Sa dahilang si Representative Amben Amante ay lubhang abala sa mga gawain sa Kongreso, ang pagsasagawa ng pay out ay pinamahalaan nina AICS/AKAP Grace D. Adap and Josefina Andal, bilang tulong kina Rica Joy Recto, Susan Calaogao, Riza Anzano at Janeska Palapag ng DSWD-Social Welfare and Development (SWAD) Team sa Laguna, na ginanap sa San Pablo Central School Stadium noong Biyernes ng umaga, Agosto 9,2024 na ang napagkalooban ng biyaya ay umabot sa 620 kapos sa kitang mga residente ng iba’t ibang barangay sa sakop ng 3rd Congressional District of Laguna. (Ruben E. Taningco/Photo: Diogenes L. Bunquin)
#news
#CALABARZON
Comments
Post a Comment