Orientation Seminar on PPAN ginanap sa Sto. Tomas, Batangas


 

Isinagawa noong ika-17 ng Hulyo ang Orientation Seminar on PPAN (Philippine Plan of Action for Nutrition) 2023-2028 bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon ngayong taon. 

Layon ng aktibidad na paigtingin ang kaalaman ng mga council members ng PPAN 2023-2028 at bigyang diin ang kahalagahan ng local nutrition action plan partikular sa mga aktibidad at interventions na maaaring maisama ng Pamahalaang Lungsod sa kanilang nutrition action plans upang lubos na makatulong sa mga PPAN targets.

Binigyang suporta nina Mayor Atty. Arth Jhun Aguilar Marasigan, at Vice Mayor Cathy Jaurigue-Perez ang nasabing oryentasyon na siya namang dinaluhan ng mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod, Barangay Nutrition Council Chairpersons, Barangay Nutrition Scholars, at City Nutrition Council Members na kinatawan naman ng City Nutrition Technical Working Group members. (CIO-Sto.Tomas)


#news

#CALABARZON

Comments

Popular posts from this blog

Senator Bong Go adopted son ng Bayan ng Pila

KABAKA San Pablo City Officers bumisita kay Congressman Loreto “Amben” Amante

Laguna PDRRMO holds Incident Command System Position Course