Paalaala ni SK Federation President Stephen Felismino

 Si SK Provincial Federation President Bhenj Stephen A. Felismino ay nagpapaalaala  sa mga katulad niyang Sangguniang Kabataan Chairman,  na  awtomatikong kagawad ng kanilang Sangguniang Barangay, na upang sila ay magabayan sa tamang pakikipagtalakayan sa  paghahanda ng Barangay Annual Budget at sa pagbalangkas ng mga developmental program, ay makabubuting sila ay magsangguni sa Local Government Operations Officer ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na nakatalaga sa kanilang munisipyo para sa tamang pagpapayo. Ayon sa kanya, bilang lider-pamayanan, ang isang SK Chairman ay dapat nagsasagawa ng patuloy na  pag-aaral sa kung papaanong pinakikilos ang isang yunit ng pamahalaan, tulad ng mga gampanin ng Local Development Council (LDC) na ang dapat sangguniin ay ang Municipal Planning and Development Coordinator na namumuno sa Municipal Planning and Development Office (MPDO).  (Ruben E. Taningco)

#news

#CALABARZON

Comments

Popular posts from this blog

Senator Bong Go adopted son ng Bayan ng Pila

KABAKA San Pablo City Officers bumisita kay Congressman Loreto “Amben” Amante

Laguna PDRRMO holds Incident Command System Position Course