Senator Bong Go, namahagi ng tulong sa mga Lagunense sa bayan ng Santa Cruz
Santa Cruz, Laguna - Kasama si Gobernador Ramil Hernandez ay personal na namahagi ng tulong si Senator Bong Go sa 2,500 na mahihirap na residente ng bayang ito na ginanap sa Laguna Sports Complex, Brgy. Bubukal nang ika-29 ng Hulyo 2024.
Namahagi ang grupo nina Senador Go ng food packs, snacks, vitamins, shirts, at bola ng basketball at volleyball sa mga benepisyaryo. Ang iba ay tumanggap naman ng nabigyan ng sapatos, cellphone, relo, shades at bisikleta.
Karagdagan dito ay ang pamamahagi ng tulong pinansiyal mula sa pamahalaang panlalawigan para sa mga higit na nangangailangan.
Nagpasalamat naman si Senator Go kina Gob. Hernandez at Congresswoman Ruth M. Hernandez at sa iba pang mga opisyal na naging katuwang niya sa pagtulong sa mga kababayang kapuspalad.
Pagkatapos ng nasabing programa ay nagtungo si Sen. Go sa bayan ng Pila upang dumalo at makiisa sa pagdiriwang ng ika-449 taong pagkakatatag ng Pila at para tumulong sa mga displaced workers, ganun din ang pakikiisa sa inagurasyon ng gusali sa munisipyo ng Pila. (J. Coroza, photo: Jun Sapungan/Laguna PIO)
#news
#CALABARZON
Comments
Post a Comment