TULOY-TULOY ANG BAYANIHAN SA BATAAN OIL SPILL

TULOY-TULOY ANG BAYANIHAN SA BATAAN OIL SPILL

Patuloy ang pagtugon ng pamahalaan upang tulungan ang mga komunidad na naapektuhan ng oil spill dulot ng lumubog na MT Terra Nova. 
Noong nakaraang linggo, namahagi ang pamahalaang panlalawigan ng relief packs para sa 1,600 mangingisda sa bayan ng Noveleta at 5,631 mangingisda mula sa bayan Rosario. Katulong ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at mga opisyal ng lokal na pamahalaan, layon nitong maibigay ang mga pangunahing pangangailangan ng mga mangingisdang naantala ang kabuhayan dahil sa fishing ban sa lugar. 
Naglagay naman ang Philippine Coast Guard (PCG) ng 300-metrong improvised oil spill boom sa Brgy. Bucana, Ternate na nagsisilbing hatching area ng mga pawikan. 

Katulong rin ng PCG ang Philippine National Police (PNP) at Army Reserve Command na nagbigay ng karagdagang tauhan para sa cleanup at pamamahagi ng relief packs. 

Nagbigay naman ang lokal na pamahalaan ng Bauan, Batangas ng 78 na improvised oil spill boom at 81 sako ng coconut husk upang makaptulong sa pagsipsip ng natitirang krudo. 
Samantala, naghatid ng karagdagang relief package ang Department of Social Wefare and Development Office IV-A (DSWD IV-A) para sa mga pamilyang nasa apektadong coastal community. 

Tuloy-tuloy naman ang isinasagawang monitoring, water sampling, at coastal cleanup na isinasagawa ng mga lokal na pamahalaan, sa pangununa ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at ng lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng kani-kanilang local Environment and Natural Resources Office. | via Cavite Provincial Information Office

#BagongPilipinas

Comments

Popular posts from this blog

Senator Bong Go adopted son ng Bayan ng Pila

KABAKA San Pablo City Officers bumisita kay Congressman Loreto “Amben” Amante

Laguna PDRRMO holds Incident Command System Position Course