Damang-dama ang mabilis, masaya, maginhawa, at maayos na serbisyo mula sa gobyerno para sa mga Batangueño

 

Aabot sa 60,000 Batangueño ang nakatanggap ng iba’t ibang serbisyo ng pamahalaan sa pagbisita ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa Lipa City, Batangas nitong ika-24 hanggang 25 ng Agosto 2024

Lipa City, Batangas-Iba’t ibang serbisyo para sa mga Batangueño ang hatid ng mga ahensiya ng pamahalaan sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair noong nakaraang Agosto 24 at 25, 2024  na ginanap sa LIMA Estate, Lipa City, Batangas.

Pinangunahan nina House Speaker Martin Romualdez, Finance Secretary Ralph Recto, Senator Bong Revilla, kasama ang mga kinatawan ng Kongreso ang pagbubukas ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair.

Tampok sa Serbisyo Fair ang nasa 209 programa at serbisyo para sa mahigit 60,000 Batangueño.

Aabot naman sa P563-M ang kabuuang halaga ng tulong na ipinagkaloob sa mga benepisyaryo mula sa mga ahensya ng pamahalaan gaya ng Department of Social Welfare and Development, Department of Labor and Employment, Department of Migrant Workers, at iba pa.

Ayon kay Finance Secretary Ralph Recto, ito na ang ika-22 Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa bansa na layong makapaghatid ng mga angkop na serbisyo at maisulong ang adbokasiya tungo sa “mabilis, maayos, maginhawa, at masayang serbisyo publiko.(PIA 4-A)


#News
#CALABARZON

Comments

Popular posts from this blog

Senator Bong Go adopted son ng Bayan ng Pila

KABAKA San Pablo City Officers bumisita kay Congressman Loreto “Amben” Amante

Laguna PDRRMO holds Incident Command System Position Course