DPWH Laguna 3rd DEO pinasasalamatan sa Alaminos




  Ang Liga ng mga Barangay sa Alaminos sa pangunguna ni Punong Barangay Billy M. Bautista ng Barangay  Cuatro ay ganap na nagpapasalamat kay District Engineer Napoleon T. Abril ng Laguna’s 3rd District Engineering Office dahil sa maagap nitong pagtugon sa kanilang kahilingan iniindorso ni Congressman Loreto S. Amante na masulusyunan ang problema sa baha na ang apektado ay tatlong magkakabalantay na barangay sa Poblacion. Ang unang nasolusyunan ay ang drainage system sa  pag-itan ng Barangay Uno na pinangangasiwaan ni Punong Barangay Andrew L. Avenido,  at Barangay Cuatro upang ang tubig baha ay tuloy-tuloy na pumasok sa isang ilog, at paggigiba sa isang kongkretong waiting shed  sa Barangay Dos na ang lagay ng bubong ay lubhang mababa kaya maraming nauuntog, at paglalagay ng asphalt overlay sa mga lansangan. At pagsasaayos ng padaluyan ng tubig-baha upang ang baha mula sa Barangay Dos lumiwas sa sentro ng Baranga  Cuatro patungong ilog.  (Ruben E.Taningco)


#News
#CALABARZON

Comments

Popular posts from this blog

Senator Bong Go adopted son ng Bayan ng Pila

KABAKA San Pablo City Officers bumisita kay Congressman Loreto “Amben” Amante

Laguna PDRRMO holds Incident Command System Position Course