Gusaling pampangasiwaan ng Barangay Maslun sa Liliw


 Kapansinpansin ang masayang pagngiti ni Maslun Punong Barangay/Liliw ABC President Hedeliza “Heidi” V. Monfero habang ginugupit nina Congressman Loreto S. Amante ng 3rd District of Laguna at Liliw Mayor Ildefonso D. Monleon ang laso na nagbabadya ng pormal na pagbubukas/pagpapasinaya sa bagong gawang Multi-Purpose Building na natayo sa inisyatibo ng mambabatas, sa tulong ng Department of Public Works and Highways (DPWH), noong nakaraang Huwebes, Agosto 15, na ang pagdiriwang ay dinaluhan din nina Vice Mayor Ericson J. Sulibit at Laguna’s 3rd District Engineering Office Head, District Engineer Napoleon T. Abril, at mga pinunong bayan ng Liliw. Ang bagong gusali ay magiging sentrong pampangasiwaan ng Barangay  Maslun. Ang Maslun ay isa sa limang  barangay sa Poblacion  na ang populasyon ay naglalaro sa 2,600 katao, at magsisilbi ring sentro sa pagpapakilos sa may 33-miyembrong  Liga ng mga Barangay-Liliw Chapter.   (Ruben E. Taningco/Photo: Diogenes L. Bunquin)

#News
#CALABARZON

Comments

Popular posts from this blog

Senator Bong Go adopted son ng Bayan ng Pila

KABAKA San Pablo City Officers bumisita kay Congressman Loreto “Amben” Amante

Laguna PDRRMO holds Incident Command System Position Course