Hand tractor at Rice planter ipinamahagi sa mga piling benepisyaryo sa Bayan ng Pagsanjan
Sa pakikipagugnayan ni Mayor Areza sa tanggapan ng Department of Agriculture 4-A ay naibigay ang mga nasabing makina sa pagsasaka sa ilalim ng programang Rice Competitiveness and Enchancement Funds Mechanization Program.
Iginawad din ang 3 Barangay Mini Garbage Truck na maaring magamit ng barangay sa maliliit o makipot na daan.
Nang araw ding iyon ay ginawad sa ilang residente ng Brgy. Dingin ang MOA kaugnay sa lupang kinatitirikan ng kanilang tahanan.
Nais ni Mayor Areza na tuluyang maging maunlad ang bayan ng Pagsanjan, ito ay sa pamamagitan ng pagpapayabong ng kanilang turismo. Ito ay maisasakatuparan kung madaragdagan ang mga establisyimento sa kanilang bayan.
Bukas ang panawagan ni Mayor Areza sa mga nais na magtayo ng negosyo sa kanilang bayan. Naniwala ang mayor na kapag napalakas ang negosyo marami ang magkakaroon ng trabaho at magiging maginhawa ang bawat Pagsanjeño.(Mhadz Marasigan/Lynn Domingo)
Comments
Post a Comment