Lungsod ng San Pablo Generally Peaceful ayon kay Chief Of Police PLTCOL Wilhelmino S. Saldivar Jr.
Lungsod ng San Pablo Generally Peaceful ayon kay Chief Of Police PLTCOL Wilhelmino S. Saldivar Jr.
San Pablo City-Binigyan linaw ni PLTCOL Wilhelmino Saldivar na ang ilan sa mga naitalang shooting incident sa lunsod ay mga isolated cases at agarang nahuli ang mga suspek dahil sa mabilis na pagresponde ng mga kapulisan na kanyang pinamumunuan.
Ayon kay Sir. Saldivar, katuwang ang mga barangay officials mula sa 80 barangay ay patuloy silang nagsasagawa ng mga Oplan Sita lalot higit sa mga entry at exit point ng Lunsod.
Nagpapasalamat si Sir. Saldivar sa tugon ng mga barangay officials sakanya sa pagsasaayos ng mga CCTV sa bawat barangay, gayundin ang patuloy na pakikipagugnayan at tulungan ng mga ito upang mapanatiling tahimik ang lunsod.
Ayon pa kay Sir. Saldivar, malaking tulong ang mga CCTV para sa agarang pagkahuli ng mga suspek, gayundin sa pagpapanatili ng katahimikan.
Hinihimok ni PLTCOL Saldivar ang lahat ng taga lunsod na magtiwala sakanila at kung mayroong kahinahinala, posibleng magnanakaw, may illegal na baril o anu man maaring pagsimulan ng krimen ay agarang ireport sakanilang tanggapan upang ito ay agad na matugunan "Crime Prevention is Everybody's Concern" ani pa ni PLTCOL Saldivar.(Mhadz Marasigan)
Comments
Post a Comment