Pamamahagi ng libreng school uniform sa Lungsod ng Sto. Tomas

 


Bilang bahagi ng mga programa ng lokal na pamahalaan upang suportahan ang edukasyon ng mga kabataan, opisyal nang sinimulan ang pamamahagi ng mga libreng schoo uniforms sa iba’t ibang elementarya sa Lungsod ng Sto. Tomas.

Sa pangunguna ni Mayor Atty. Arth Jhun Aguilar Marasigan, kasama si Vice Mayor Catherine Jaurigue-Perez at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod, ang pamamahagi ay isinagawa upang matiyak na ang lahat ng mag-aaral ay makakatanggap ng kanilang bagong uniporme.

“Ang pagbibigay ng libreng uniporme ay isang hakbang upang mabawasan ang alalahanin ng ating mga magulang at masiguro na ang kanilang mga anak ay may pantay na pagkakataon sa edukasyon.”- Mayor AJAM.

Magpapatuloy sa mga susunod na araw ang pamamahagi ng school uniforms upang makatanggap ang lahat ng pampublikong paaralang elementarya sa lungsod.


#News
#CALABARZON

Comments

Popular posts from this blog

Senator Bong Go adopted son ng Bayan ng Pila

KABAKA San Pablo City Officers bumisita kay Congressman Loreto “Amben” Amante

Laguna PDRRMO holds Incident Command System Position Course