Safeguarding Journeys: MPT South Launches Bayani Ka Book 2


  Ang Metro Pacific Tollways South (MPT South), isa sa mga subsidaryo ng Metro Pacific Tollways Corp. (MPTC), ay naglunsad ng “Bayani Ka: Bayani ng Kalsada Book 2” sa National Library of the Philippines, ang nasabing activity book ay naglalayon na magbigay ng inspirasyon sa mga kabataan upang sila ay maging kampeon sa aspeto ng road safety sa kani-kaniyang komunidad. Tampok ang makabuluhang istorya, makulay na paglalarawan at interactive na nilalaman, ang aklat ay idinisenyo upang magbigay ng aral sa mga batang mag-aaral ng kahalagahan ng kaligtasang panlansangan sa paraan na nakakaaliw at mabibigay ng tiyak na kamalayan. Dahil ang kaligtasan sa kalsada ay isang mahalagang paksa para sa mga batang mag-aaral, ang aklat ay isang mahusay na mapagkukunan para sa mga paaralan upang isama sa kanilang kurikulum, na maaring makatulong sa mga mag-aaral na mas magkaroon ng kamalayan at maging responsable sa mga lansangan. 

Pinangunahan ng MPT South Vice President Vice President for Communication and Stakeholder Management Arlette Capistrano ang simbolikong turnover ng mga aklat ng “Bayani Ka” sa National Library of the Philippines. Kasama niya si MPTC Chief Corporate Governance and Risk Officer and Head of Sustainability, Atty. Cynthia Casino; gayun din si Dr. Angelito Umali, Health and Nutrition Officer na kinatawan ng United Nations International Children’s Emergency Fund (UNICEF). Ang mga aklat ay tinanggap nina nina Ginoong Cesar Gilbert Q. Adriano, Director ng National Library of the Philippines (NLP), Ginoong Eduardo B. Quiros, Assistant Director ng National Library of the Philippines,at iba pang mga kinatawan mula sa iba’t-ibang lokal na aklatan. 

Dalawang libong kopya ng Bayani Ka Book 2 ang ipamimigay ng MPT South sa iba’t-ibang pampublikong aklatan at mga kapartner nitong institusyon sa Rehiyon IV-A at National Capital Region.  

“MPT South conceptualized this campaign, “Bayani Ka: Bayani ng Kalsada Book 2,” to empower children with the knowledge and confidence they need to navigate the streets safely. By distributing this book to schools, we hope to instill lifelong habits of safety and responsibility in our youngest citizens.” saad ni Arlette V. Capistrano, Vice President for Communication and Stakeholder Management ng MPT South. 

Matapos tanggapin ang mga aklat na “Bayani ng Kalsada” mula sa MPT South, inilahad ni Director Cesar Gilbert Q. Adriano na, “This book will serve as a learning tool for teaching children about road safety, providing them with the essential knowledge to navigate the world safely. It empowers the young minds about the importance of knowing traffic rules and pedestrian safety, protecting them from any harm they may encounter on the road.”   

Ang MPT South, sa misyon nitong mamuno sa pagbibigay ng maayos at ligtas na paglalakbay sa mga biyahero, ay nakatuon sa pagtiyak na ang mga drayber ay may sapat na kamalayan sa kaligtasang panlansangan, gayun din ang mga kabataan ng kasalukuyan sa paghubog nila sa kani-kaniyang sarili na maging “Bayani ng Kalsada” ng hinaharap. 

Ang MPT South ay isa sa mga subsidaryo ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC), ang infrastructure arm ng Metro Pacific Investment Corporation (MPIC). Maliban sa mga toll road networks ng CALAX at CAVITEX, ang MPTC’s domestic portfolio ay kinabibilangan ng North Luzon Expressway (NLEX), NLEX Connector Road, Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX), at ng Cebu-Cordova Link Expressway (CCLEX) sa Cebu. 

#News
#CALABARZON

Comments

Popular posts from this blog

Senator Bong Go adopted son ng Bayan ng Pila

KABAKA San Pablo City Officers bumisita kay Congressman Loreto “Amben” Amante

Laguna PDRRMO holds Incident Command System Position Course