Sen. Bong Go nagpaabot ng tulong para sa mga biktima ng sunog sa Rizal, Laguna
Rizal, Laguna-Nagpaabot ng karagdagang suporta si Senator Bong Go sa mga nasunugan sa Rizal, Laguna, noong Biyernes, August 16, 2024.
Sa tulong ni Mayor Vener Muñoz, matagumpay na nabigyan ng Malasakit Team ni Senator Bong Go ng snacks, shirts, masks, vitamins, at bola ng basketball at volleyball ang walong apektadong pamilya.
Mabibigyan din sila ng tulong pampinansiyal ng national government para sa muling pagpapatayo ng kanilang tahanan.
Ang payo sa kanila ni Senator Bong Go, huwag mawalan ng pag-asa. Gamit lang ang nawala, ang importante ay buhay. Kaya pangalagaan at ingatan nila ang buhay na kaloob ng Diyos sa kanila.(RJ Reportorial/Bong go FB Page)
#News
#CALABARZON
Comments
Post a Comment