Tulong para sa Solo Parents Pay out
Cabuyao City- Pinangunahan ni Laguna 2nd District Representative Ruth Mariano Hernandez katuwang ang DSWD Regional Office 4-A ang ikalawang batch ng payout para sa Solo Parents sa bayan ng Cabuyao noong nakaraang Agosto 7, 2024.
Humigit kumulang 750 mga registered Solo Parents mula sa iba’t ibang barangay ng Cabuyao City ang tumanggap ng ayuda.
“Asahan po ninyo na ang inyo pong lingkod ay lagi po ninyong kasama sa pagharap sa hamon ng buhay” saad ni Cong Ruth Hernandez.
“Patuloy ang ating mga programa at serbisyong tama para sa ating mga kalalawigan. Umantabay lamang po at makipag-ugnayan sa inyong Solo Parents Association para sa mga susunod pang schedule ng ating payout” dagdag pa ni Ruth. (RJ Reportorial/Ruth Mariano Hernadez FB Account)
Comments
Post a Comment