Bagong Irrigation System sa Rizal, handog ng NIA CALABARZON

 






Bagong Irrigation System sa Rizal, handog ng NIA CALABARZON

ala-Jala, Rizal-Pormal ng ipinagkaloob ng National Irrigation Administration (NIA) at Department of Agrarian Reform (DAR) sa Sambungan Farmers Irrigators Association sa Jala-Jala, Rizal ang Bagumbong Communal Irrigation System (CIS) noong nakaraang Huwebes, Agosto 22, 2024. 

Layon ng nasabing irrigation system na mapatubigyan ang halos 60 ektaryang palayan at bigyang suporta ang nasa 38 Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) bilang bahagi ng modernisasyon ng sistemang patubig sa rehiyon. 
Bukod rito, binubuo rin ang CIS Bagumbong Communal Irrigation System ang dalawang solar pumps at panels, isang water tank, HDPE pipe lines, at distribution pipes para sa epektibong pamamahagi ng tubig. (National Irrigation Administration Calabarzon/PIA-4A)

Comments

Popular posts from this blog

Senator Bong Go adopted son ng Bayan ng Pila

KABAKA San Pablo City Officers bumisita kay Congressman Loreto “Amben” Amante

Laguna PDRRMO holds Incident Command System Position Course