Bayan ng Famy, ideneklarang Insurgency-Free
Bayan ng Famy, ideneklarang Insurgency-Free
Famy, Laguna-Pormal nang idineklara ng Philippine Army ang bayan ng Famy, Laguna na mayroong Stable Internal Peace and Security (SIPS) noong nakaraang Agosto 12, 2024.
Bahagi ng dekalarasyon ng SIPS ang paglagda sa isang Memorandum of Understanding (MOU) ng mga opisyal bilang pagsuporta sa mga adhikaing pang-kapayapaan ng pamahalaan at pagkontra sa mga idolohiya ng mga komunistang teroristang grupo.
Lumagda sa MOU sina Famy Mayor Lorenzo Rellosa, 202nd Infantry (Unifier) Brigade Commander BGen Cerilo Balaoro, Jr., mga opisyal ng national government agencies, pamahalaang panlalawigan at pamahalaang bayan.
Inihayag ni Mayor Lorenzo Rellosa ang kanilang pangako na tiyakin ang kaligtasan at kapayapaan ng mga residente sa bayan at ang deklarasyon ay hudyat lamang ng tuloy-tuloy na magandang kinabukasan at kaunalran ng bayan ng Famy.
Binigyang diin naman ni BGen Balaoro Jr. ang mahalagang papel ng pakikipagtulungan ng militar at sibilyan sa pagtataguyod ng kapayapaan at seguridad sa lalawigan.
Iginagawad ang deklarasyon ng SIPS status matapos matagumpay na matugunan ang pamantayan, partikular na ang kawalan ng naitalang marahas na aktibidad ng NPA sa loob ng hindi bababa sa isang taon.
Ang bayan ng Famy sa ang ika-walong bayan sa lalawigan na naisalalim sa SIPS, kasunod ng Kalayaan, Santa Maria, Cavinti, Nagcarlan, Paete, Pangil at Pila. (202nd Infantry “Unifier” Brigade, Philippine Army/PIA Laguna)
#calabarzon
#localnews
Comments
Post a Comment