FOREFRONT: Bayan ng Rizal sa Laguna mapayapa
Forefront (column ni Mhadz)
Bayan ng Rizal sa Laguna mapayapa
Ang kapayapaan ay nagpapayaman sa komunidad at indibidwal na buhay. Malaking tulong ang ginagawang serbisyo ng mga kapulisan upang mapanatili ang kapayapaan sa isang bayan.
Ayon kay Rizal Municipal Acting Chief of Police PMAJ. Dimsy A. Pitan, epektibo ang police visibility na kanilang isinasagawa tulad ng Oplan Sita, Mobile Patrolling, Bike Patrol, pakikipag diyalogo upang mapababa ang 8 focus crimes.
Ayon pa kay PMAJ Pitan, ang bayan ng Rizal ay “generally peaceful” ito rin ay matagal ng napabilang sa mga Drug Cleared na bayan at kadalasan ay mga vehicular accident lamang ang kanilang naitatala “ Na maintain naman po namin ang pagiging Drug Cleared na bayan” dagdag pa ni MAJ Pitan.
Nabanggit din ni MAJ Dimsy, na malaki ang tulong at suporta na ibinibigay sa kanila ng LGU ng Rizal sa pangunguna ni Municipal Mayor Vener Muñoz upang maisagawa ang mga aktibidad at proyektong pangkapayapaan.
Ibinida rin ni MAJ Pitan sa pakikipagtulungan ng mga agency, LGU sila ay nakapagpagawa ng (PCRM)Police Community Response and Monitoring Box na matatagpuan sa unahan ng kanilang tanggapan, ito ay malaking tulong para sa police visibility dahil dito maglalagi ang mga pulis.
Ayon sa pag-aaral napatunayang na ang police visibility ay epektibo sa pagbabawas ng mga kriminal na aktibidad ipinapakita rin sa mga pag-aaral na ang lugar na may mataas na presensya ng pulisya ay nakakaranas ng mas kaunting krimen, kabilang ang pagnanakaw ng motor, mga krimen sa ari-arian, karahasan, at mga krimen na nauugnay sa baril.
Comments
Post a Comment