FOREFRONT:Pagdiriwang ng taunang selebrasyon ng Youth Week dinaluhan ng mga Kabataang San Pableño

FOREFRONT: Column ni Mhadz

 Pagdiriwang ng taunang selebrasyon ng Youth Week dinaluhan ng mga Kabataang San Pableño




Noong nakaraang Agosto 19, 2024  naging matagumpay ang isinagawang selebrasyon ng pagbubukas ng Youth Week o Linggo ng Kabataan sa Lungsod ng San Pablo. 

Pinangunahan nina San Pablo City SK Federation President Eldrich Khristoffer “Ace” B. Villanueva, at Laguna SK Federation President Bokal Bhenj Stephen A. Felismino kasama ang mga opisyal at miyembro ng San Pablo Youth Development Council ang programa at parada.

Dumalo sa nasabing programa sina Vice Mayor Justin G. Colago, Konsehal Buhay D. Espiritu, Konsehal Angie E. Yang, Konsehal Richard C. Pavico, at Konsehala Carmela A. Acebedo.

Dinaluhan din ito ng iba’t-ibang mga organisasyong pangkabataan, mga miyembro ng serbisyo publiko at iba pang mga taga suporta ng programang pang-kabataan.

Ayon kay SK Fed. Pres. Ace Villanueva, katuwang ang kanyang mga miyembro sila ay patuloy na gagawa ng mga proyekto na makatutulong sa pag-angat ng mga kabataan sa lungsod.

Buo ang suporta na ibinibigay ng lokal na pamalaan sa pamumuno ni Mayor Vic Amante sa mga programang nagsusulong ng karapatan at proyektong patuloy na nag-aangat sa mga kabataang San Pableño

Comments

Popular posts from this blog

Senator Bong Go adopted son ng Bayan ng Pila

KABAKA San Pablo City Officers bumisita kay Congressman Loreto “Amben” Amante

Laguna PDRRMO holds Incident Command System Position Course