Job Fair ginawa sa Sto. Tomas City

 Job Fair ginawa sa Sto. Tomas City





Sto. Tomas City, Batangas-Job Fair: Trabaho, Negosyo, Kabuhayan isinagawa, bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-5 anibersaryo ng pagiging lungsod ng Sto. Tomas, kung saan 24 lokal na kumpanya, 3 overseas agencies ang lumahok upang mag-alok ng mga oportunidad sa trabaho.

Umabot sa 1,010 ang bilang ng mga nagparehistro sa nasabing job fair, kung saan 218 sa kanila ang agad na na-hire on the spot. Ang karamihan naman ay nakatakda para sa karagdagang proseso ng aplikasyon sa kani-kanilang mga napiling kumpanya.

Nagbigay serbisyo din ang mga nasyunal na ahensya gaya ng SSS, DOLE, Philhealth, DMW, TESDA, DTI, PhilSys at Pag-ibig.

Bukod dito, ipinamahagi rin ang “Kwentong Tomasino” coffee table book, na naglalaman ng mga kwento ng tagumpay at mga mahahalagang proyekto na naisakatuparan ng ating pamahalaang lungsod sa pamumuno ni Mayor Atty. Arth Jhun Aguilar Marasigan kaagapay si Vice Mayor Catherine Jaurigue-Perez at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod. 

Comments

Popular posts from this blog

Senator Bong Go adopted son ng Bayan ng Pila

KABAKA San Pablo City Officers bumisita kay Congressman Loreto “Amben” Amante

Laguna PDRRMO holds Incident Command System Position Course